获取下载链接
歌词

作曲 : John Paulo Nase (RADKIDZ)

Paggising sa umaga'y tinig mo ang paboritong himig

'Di naman siguro 'to isang panaginip

Pinagdarasal parati kaligtasan mo't mapawi

Ang lungkot sa'yong mata 'di na luluha pang muli

Panahon ma'y nagdidilim liwanag ay sisikat din

Sabay nating haharapin mm-mm

Takot sa puso'y alisin lahat ng 'to'y lilipas din

Walang pagsubok na 'di kakayanin

Ibig ko lang ipahiwatig

Na basta may pag-ibig

Sa puso nati'y magwawagi yeah

Oh sigurado babangon tayo

Kaya'ng lahat ikaw at ako

'Wag kang susuko magkasama tayo

Hanggang sa dulo ikaw at ako

Oh ooh-woah oh ooh-woah

Oh ooh-woah ooh-woah

Ang dami-dami na natin pinagdaanan no'n

Bawat marka ay tanda na higit na mas matatag

Na tayo ngayon tindi ng alon kahapon

Tsk wala 'yon babangon tayo padayon

At sino'ng nagsabi buhay magiging madali?

Sisingilin ka niyan araw-araw

Bayaran mo paunti-unti sulitin ang bawat sandali

Isipin mong mabuti kung pa'no mo gagamitin ang sukli

Ibig ko lang ipahiwatig

Na basta may pag-ibig

Sa puso nati'y magwawagi yeah

Oh sigurado babangon tayo

Kaya'ng lahat ikaw at ako

'Wag kang susuko magkasama tayo

Hanggang sa dulo ikaw at ako

Ikaw yeah

Ang nais kong makasama hangga't narito sa lupa

Kung maaari lang sana 'wag ka nang mawawala

Ako ay lagi mong kasangga sa lahat ng 'yong problema

Yeah 'di ka nag-iisa

Oh sigurado babangon tayo

Kaya'ng lahat ikaw at ako

'Wag kang susuko magkasama tayo

Hanggang sa dulo ikaw at ako

Oh ooh-woah oh ooh-woah

Oh ooh-woah ooh-woah

Wala na ang pangamba

Basta't ika'y kasama

Wala na ang pangamba

Yah yah yah yah yah yah